
Articles
-
1 day ago |
bomboradyo.com | Bombo Jovino Galang
Nagluluksa ngayon ang singer/ songwriter na si Rico Blanco dahil sa pagpanaw ng nakakabatang kapatid nitong si Rey sa edad na 50. Kinumpirma ng anak ni Rey na si Daniela ganun din ang Rivermaya drummer na si Mark Escueta. Sa social media account nito ay ibinahagi ng anak nito ang ilang art card kung saan nakalagay ang detalye ng burol. Magiging pribado ang burol para sa lamang sa mga pamilya at limitado lamang sa mga pamilya at kaibigan.
-
1 day ago |
bomboradyo.com | Bombo Jovino Galang
Nagsagawa ng drone attcks ang paramilitary fighters sa Port Sudan. Dahil sa insidente ay nawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Sudan. Ang panibagong pag-atake ng Rapid Support Forces (RSF) ay naganap isang linggo matapos na mabawi ng mga sundalo ang Khartoum mula sa rebeldeng grupo. Nagsimula ang kaguluhan dahil sa agawan ng kapangyarihan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF) at RASF
-
1 day ago |
bomboradyo.com | Bombo Jovino Galang
Pinatawan ng NBA ng $50,000 na multa si Golden State Warriors forward Draymond Green. Kasunod ito sa ginawa niyang pag-kuwestyon sa integridad ng mga game officials noong Game 3 ng Western Conference semifinals. Ayon sa NBA na hindi tama na akusahan ni Green ang mga game officials. Sa nasabing laro ay na-fouled out si Green sa kalagitnaan ng last quarter kung saan tinalo sila ng Minnesota Timberwolves 102-97.
-
1 day ago |
bomboradyo.com | Bombo Jovino Galang
Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga tumakbong kandidato na magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE). Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na lahat ng mga kandidato nanalo man o hindi ay dapat magsumit ng SOCE hanggang Hunyo 11. Ang hindi makakapagsumite ng SOCE sa itinakdang panahon ay hindi makakaupo aniya sa kaniyang opisina.
-
1 day ago |
bomboradyo.com | Bombo Jovino Galang
Tinanggihan ng korte ang motion na inihain ng kampo ni dating Bamban-Tarlac Mayor Alice Guo na leave to file a demurrer to evidence o ang pagkuwestiyon na hindi sapat ang ebidensiyang inilabas ng prosecutions. Ipinagpaliban din sa araw ng Lunes, Mayo 19 ang pagsisimula ng pagpresenta ng mga ebidensiya. Hindi nagbigay pa ng anumang detalye si Pasig Assistant City Prosecutor Prosecutor Robinson Landicho kung bakit hindi natuloy ang pagdinig.
Try JournoFinder For Free
Search and contact over 1M+ journalist profiles, browse 100M+ articles, and unlock powerful PR tools.
Start Your 7-Day Free Trial →